fbpx
Follow Us!
Facebook Instagram

What Does it take to be Stage Mom?

Share this article

Hindi Patatalo ang Anak Ko! 

We want the best for our children! Very few moms would not want to see their children performing on stage! Lahat, gagawin natin para sa ating mga anak para makita natin silang masaya at nagtatagumpay sa mga pagsisikap na kanilang ginagawa. Makikita natin ang mga nanay na na ito lalo na kapag may kompetisyon sa paaralan. Matiyaga ang mga nanay na nakikilahok, pumipila, sinasamahan ang anak at unang-una na pumapalakpak kapag nagsimula nang mag-perform ang anak.


Matiyaga ang mga nanay na nakikilahok, pumipila, sinasamahan ang anak at unang-una na pumapalakpak kapag nagsimula nang mag-perform ang anak.

Sila ang mga tinatawag nating “stage mom”, hindi mapakali, hindi pwedeng maiwan ang anak sa limelight, palaging nagboboluntaryo kapag may kompetisyon, sila yung nagkukumahog pumunta sa iba’t ibang lugar, para makabili ng tamang costume ang anak, matiyagang binabantayan ang anak kapag may practice o rehearsal at kahit sa bahay ay malamang na panay din ang turo sa anak. At kapag araw ng competition, sila ang matiyagang nagdarasal, pumipila at kumukuha ng pictures. Kapag natalo ang anak, sila ang unnang-una na magtatanong kung anu-ano na naman ang criteria at bakit di nakasama ang anak sa mga nanalo.

Anu-ano ba ng masamang dulot ng pagiging STAGE MOM?

  • Maaaring lumaki ang anak na di tumatanggap ng pagkatalo
  • Nagiging sensitibo ang anak, kailangang lagi syang pinupuri para maniwalang totoong magaling sya
  • Nagiging palaaway ang bata lalo na kapag sya ay natalo
  • Ang nagiging source na lamang ng kaligayahan ng anak ay ang medalya, trophy at certificates of winning
  • Nagiging stressful na sa bata ang preparations before the competitions

Ang SUPPORTIVE MOM naman ay ganito:

  • Alam ang strengths at weaknesses ng kanyang anak at tinatanong ang anak kung gustong sumali
  • Ipinapaalala sa anak na sa isang kompetisyon, may nananalo at may natatalo at pwede ring matalo ang anak kaya’t kailangang prepared sya emotionally
  • Ginagawa ang lahat para masigurong nagpa-practice ang anak at tinutulungan sya nito.
  • Nakikipag-coomunicate sa adviser, sa coach at sa guro kung may maitutulong pa sya sa ikagaganda pa ng performance ng anak. 
  • Hindi nagagalit sa anak kapag ito ay nagkamali o natalo. 

Sa kabuuan, gaga-hibla lang ng buhok ang diperensya ng stage mom at supportive mom, day in and day out, moms are crossing the line of being supportive parents and turning into stage moms lalo na kung ang pag-uusapan ay ang pag-aasikaso sa anak kapag may kompetisyon. 

Cheerleading is different from excessive coaching.

So, where is the line between supportive mom and stage mom? Cheerleading is different from excessive coaching. When joining the competitions or mere involvement becomes so stressful to a child and he does not find happiness anymore because he is being pushed so hard, then you are not supporting anymore.   Moms out there, you can constantly check yourselves! If your source of happiness depends on winning, then you’re becoming stage moms.


Moms out there, you can constantly check yourselves! If your source of happiness depends on winning, then you’re becoming stage moms.

About spi